Linggo, Setyembre 23, 2012

Yan-yan at Lyka 2



lahat nalang ngayon nagmamahalan, tayo nalang ang hindi

tumunog ang alarm clock

bwesit naman 'to, ang aga-aga ginigising ako... lakas pa naman ng ulan,sarap matulog ulit

ako si Lyka ang babaeng walang pahinga(joke), kasi alam ko naman wala kayong "paki" kung magpakilala kung sino ako hindi niyo naman ako kilala.

oh!!! sya sya, ako si Lyka 1st year college student, nag iisang anak,easy go lucky na babae kasi daw mayaman ang parents ko, walang pakialam sa mundo, masayahin daw ako yun ang una nilang nakikita sa akin.

d lang nila alam sa likod ng pagiging masayahin ko, ay yung tunay na ako, na laging malungkot.

summer time noon pumunta ako sa birthday party ng kaklase ko noong 4th yr high school, doon ko nakilala si Eman.

"Hello"

"ako si Eman"

'yan sabi niya habang inaabot ang kamay niya.

"Hi"

Si Eman kasi tagal ko na siyang crush high school pa, pero sa ibang school siya nag aaral dati.

eto nabigyan ng pagkakataon makilala siya, hindi ko na 'to papalampasin.

wala na kaming ibang ginawa ni Eman sa party na 'yun kundi mag usap lang kahit anong bagay-bagay hanggang umabot na kami sa palitan na ng cellphone number.

ilang months na rin ang nakalipas masaya na kami ni Eman kahit LDR kami or 'yung tinatawag nila na long distance relationship, pero ang pagiging masaya me hangganan rin, ilang araw na rin hindi siya nagtetext or tawag man lang.

pumasok sa buhay ko si Yan-yan kaklase ko ngayon sa college, naging close ako sa kanya... iba kasi ang nakikita ko sa kanya, siya kasi ang taong hindi pala ngiti, kailangan mo pa yatang bayaran para ngumiti lang at sobrang bait pa.

lagi kaming magkasama ni Yan-yan, mgkasabay kung umuwi at unti-unti na rin nahuhulog ang loob ko sa kanya, pero naging sekreto yun kasi ayokong masira ang pagiging magkaibigan namin.

friday ng hapon me biglang nagtext...

"let's stop ds na d q na kaya"

yan ang nabasa ko galing kay Eman

tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot, napaiyak nalang ako... sa kadahilanan wala na akong magagawa.

habang ako'y umiiyak me lumapit sa akin na lalaki pero hindi ko alam kung sino.

siguro sa oras na ako'y malungkot biglang niyakap ko siya
..at napatanong ko sa kanya kung

"gusto niya ba ako or mahal niya ba ako"

(pero 'yung totoo yan sana ang itatanong ko kay Eman kung sinagot niya lang ang tawag ko)

hindi ko lang napansin si Yan-yan na pala ang yinayakap ko,

pero mayroon din siyang inamin about sa feelings niya para sa akin

last part na sinabi niya

mahal niya ako, pero me mahal siyang iba pero magpapari siya...

sa time na yun umalis ako sa pagkakayap ko sa kanya sa kadahilanan na nahiya ako doon sa tanong ko na hindi dapat para sa kanya.

Oo, inaamin ko rin na mahal ko na si Yan-yan pero impossible maging kami, mahal ko kasi ngayon si Eman.

tumakbo ago palabas ng building, biglang umulan ng malakas.


habang ako'y tumatakbo mayroon akong narinig na sumisigaw sa pangalan ko.

ako'y napahinto pinikit ko aking mga mata

aking iniisip tinatawag ako ni Yan-yan at hinahabol niya ako...

ng aking idilat hindi ko namalayan

nasa tabi ko na pala si yaya..

"Lyka"


"Lyka"


"gising na tanghali na!"

-end-





Sabado, Setyembre 22, 2012

Yan-yan at Lyka 1



sa pagkakataong ito nagpasya silang maging....

Minsan sa buhay natin, darating ang panahon na pipili tayo ng isa sa dalawang desisyon sa ating buhay, mahirap man pero dapat gawin para wala ng masaktan pa.

Ako si Yan-yan isang 1st yr college sa isang pribadong paaralan,

matalino, mabait at tahimik daw ako sabi nila..
mahilig lang talaga ako magbasa kaya alam kung ano ang isasagot ko.

minsan lumalapit sa akin mga kaklase yinayaya  akong sumama nila kahit saan.
ewan ko ba d ko alam kong bakit hindi ako makasabay sa mga kaklase ko sa biruan nila sa tawanan, minsan nga ngumingit nalang ako para hindi nila isipin na kill joy ako.

Sa tagal naming magkasama bilang magkaklase naging ka close ko si Lyka, kakaiba siya sa mga babae na naging kakilala ko. Siya yong tao na sabihin nalang natin na walang pakialam sa buhay, kasi anak mayaman naman.

Lagi kaming sabay umuwi ni Lyka after school kahit na mayroon silang car ayaw niyang magpasundo dahil feel niya ang mag commute.

"una na ako sayo Lyka, me dadaanan pa ako"

"oh, sige ingat"

Miyerkules, andito na nman ako sa isang lugar kung saan dito ako nangako sa kanya at pagsisilbihan ko siya habang buhay, limang taon ko na rin siya laging dinadalhan ng bulaklak at lagi kong kinakausap. Siya rin nman kasi ang nakikinig sa akin kong mayroon akong problema.

"Morning Yan, gumaguwapo tayo ngayon, ano sekreto?" biro sa akin ni Lyka

"Ikaw" sagot ko

Oo, aaminin ko na gusto ko si Lyka noon pa, pero mahirap makipagsabayan sa ibang lalaking nanliligaw sa kanya, hindi ko alam kong ano ang magiging reaction ni Lyka pag-inamin ko sa kanya, baka ito pa ang ikasira ng pagiging magkaibigan namin.

Isang araw nakita ko siya sa corridor umiiyak.

"ano ang problma?" tanong ko

hindi naman siya sumasagot, at bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko.

"gusto mo ba ako, mahal mo ba ako?" tanong ni Lyka

sa oras na 'yon hindi ko alam kong ano ang isasagot ko, kasi habang tinatanong yun ni Lyka, gumulo isip ko sa kadahilanan na bakit ko pa siya mamahalin, kong mayroon naman akong minamahal na iba.

habang nakayakap siya sa akin, inamin ko kong ano ang nararamdaman ko, naging totoo ako sa sarili ko.

"gusto kita Lyka at minahal na kita noon pa"

"pero, me aaminin lang ako sayo at ikukuwento"

Mahal ko si Lyka, mahirap lang magmahal kung dalawa sila sa puso mo...

"Lyka, alam mo ba, kung bakit ako nauuna sayo bumaba sa jeep lagi, kasi limang taon ang nakalipas ng magkaroon ng cancer ang kapatid ko, sabi ng doctor hindi na daw siya tatagal."

pumunta ako sa isang lugar kung saan ko siya nakita sabi ko.

"pagalingin mo lang kapatid ko, pagsisilbihan kita habang buhay"

"Lyka, hanggang 1st year lang ako dito at may mahal na akong iba"

.......
tumahimik ang lahat ng marinig niya ang sinabi ko.

"next year wala na ako dito"

"bakit?" tanong niya

"papasok na ako sa seminaryo"

"Lyka, magpapari ako"


-end-

abangan kuwento ni Lyka


Silent Sanctuary - Hiling



'yung time na una mo siyang nakita tapos nadapa siya(hehehe), 'yung time na una mo siyang nilapitan,yung time na una mo siya nakausap,'yung time na una mo siyang hiningan ng number dahil sa pickup lines mong malupit.

"I forgot my phone number, can i have yours?"

'yung time na text kayo ng text 24/7 (labas mata), 'yung time na lagi mo siyang ka chat sa Facebook (chat at texting, multitasking lang ang peg), 'yung time na nililigawan mo siya, 'yung time na sabay kayong kumain, 'yung time na sundo't hatid mo siya, yung time na sabay kayong kumakain.


kakilig 'yun diba?(chillig to the bones!)


'yung time na........

"'yung time na 'yon!!!!!"


Tagal din niyong magkasama, naka ilang taon kayo nun?, pero noon 'yon hindi mo kasi binigyan halaga ang mga bagay-bagay noong kayo pa... nasaan na 'yung sinasabi mong "Give and Take" relationship? Parang take lang ng take ang nakikita ko lang sayo, hanggang umabot sa taking for granted mo na siya.

Dumating ang time(time na naman!!!! extend pa 1hour!) na umaabot sa ganito na ang sinasabi.

"It's not you, it's me"

katapos mong marinig ang sinabi niya, ikaw ay biglang napaisip, napaisip ka dahil alam mo mismo sa sarili mo na ikaw ang merong kasalanan, pero huli na ang lahat para bumawi pa ng banat lines. Wala kang nagawa  sa oras na mga 'yun kundi pigilan ang mga luha mo, hinayaan mo siya na lumayo dahil sa panahon 'yon mahirap pa sa daga ang salitang mag kaka-ayos kayo.

at dumating na ang sinasabi nilang "back to strangers again".

(habang background mo ang kantang...)


oh!!! tapos ngayon lalapit ka sa akin hihingi ng mga advice kung ano ang gagawin mo na maibalik siya sa piling mo, hindi ako si Joe d'Mango o si Papa Jack!!!

nasabi mo sa akin sana kung totoo lang si Genie sa Aladdin ako'y hihiling kahit isang HILING lang!!!

"kahit walang Genie sa totoong buhay, kung gugustohin mo na magka-ayos gagawa at gagawa ka ng paraan, huwag ka lan maghangad na magiging kayo pa importane mapatawad ka lang niya, kung mapatawd ka na niya doon mo ulit suyuin"

-dahil sa buhay lalo na sa pag-ibig walang, reset at restart button!!!


credits to video owner:
http://www.youtube.com/user/jpagran
http://www.youtube.com/user/UniversalRecPH

Biyernes, Setyembre 21, 2012

Featured Band: Island Paradise



Limang kabataan na mahilig sa musika, ang Island Paradise ay isang local reggae band na mula sa Tacloban City. "Safe and Sound" at "Feeling Alright" at iba pang kanta ng Rebelution ay hindi mawawala sa bawat set nila sa mga bars o sa  iba pang gig nila. Paminsan-minsan din tumutugtog din sila ng  kanta kagaya ng "I'll be over you ng TOTO" at "Ventura Highway ng AMERICA". 


Ito pa ay cover song nila mula sa "Rebelution Bright Side of Life" sa ensayo ng banda nila sa isang studio sa Tacloban.


"Sangkay(Kaibigan),Supladang Dalaga at I like it just like that" ay ilan lang sa mga komposisyon na ginawa ng Island Paradise.

Isa ito sa mga patimpalak na sinalihan nila at nakuha nila ang 1st place, format nito isang cover song at isang sariling komposisyon ang kakantahin nila (Ventura Highway at Sangkay).



clear version ng Sangkay - Island Paradise

(ang kanta na ito ay nasa salitang Waray-Waray ang ginagamit na dialect ng Tacloban, hindi ko na isasalin sa wikang Tagalog. hehehe)

Sangkay,
pwede ba kita magkaupod danay,
mamasyada ha robi,
kita la'n duha, pwede ba'k makasangbay?

Sangkay,
pwede ba kita'n duha magkatagay?
didto ha magsaysay,
sum-suman nga atay, kita'n maghuhungit-hungitay.

CHORUS:
Sangkay pwede ba kita magkahigugmaay,
ako'n imo tatag-iyahon, ikaw magiging akon.
Sangkay tak inaabat dire gudla harumamay,
Tak dughan nagbubuto- buto..
kun nakita'k ha imo.

Sangkay,
ha City hall kita'n umistambay,
bis la kadaliay,
aton kamot magkaputay,
hinay-hinay magsiplatay.

Pero kay barkada
manla tim pagkilala,
Hini nga tawo
nga tangkod nga nahigugma.

Ngada naba't kahasta
ako ha im maasa?
Sangkay ako gad in kinakapoy nah..



Supladang Dalaga - Island Paradise (official music video)
Isa sa mga Tagalog song nila


1st stanza
sumisingkit ang mga mata
ang kanyang nooy elninyo na
tila wala ng makita puputok na yata sya
wala naman akong ginagawa masama bang magpatawa
hindi ka ba natutuwa ako'y ng mumukang tanga

Refrain

matunaw man ang mundo
sa init ng iyong ulo
nandito lang ako
handang sumalo sa bawat lipad ng yong kama-O

Chorus

akala ko wala ng gulo
akala ko ikay mg babago
akala ko wala ng gulo
akala ko ikaw ay akin….

2nd stanza

Ngunit kahit ganito ang kapalaran ko
Maging alipin mo nalang ako wag lang ma basted sa iyo

Refrain 

matunaw man ang mundo
sa init ng iyong ulo
nandito lang ako
handang sumalo sa bawat lipad ng yong kama-O

Chorus

akala ko wala ng gulo
akala ko ikay mg babago
akala ko wala ng gulo
akala ko ikaw ay akin….

Adlib

Refrain

matunaw man ang mundo
sa init ng iyong ulo
nandito lang ako
handang sumalo...ohhh ng yong kama-O

Chorus

akala ko wala ng gulo
akala ko ikay mg babago
akala ko wala ng gulo
akala ko ikaw ay akin


I Like it Just LikeThat - Island Paradise
bagong kanta nila


Catbalogan,Borongan,Guiuan, Ormoc, Tanauan, Palo, ilang lang yan sa mga lugar napuntahan ng banda para tumugtug at ibahagi ang kanilang musika. Pumunta din sila sa Bohol para tumugtug dun sa mga bars, kasama ang isa pang local band na GreenPeace na galing din sa Tacloban. Tumugtug din sila sa KOA Tree House sa Cebu para sa isang event.







Franco  jamming with Island Paradise  at Stereo Sushi


Band Members:
Gaga LuaƱa - guitar (http://www.facebook.com/ga.luana)
Miko Llauderes - keyboard (http://www.facebook.com/polikot)

Contact no. for Gigs 09126016238 or 09351307957



credits to the owner of videos and picture.


Eraserheads - Magasin







credits to: http://www.youtube.com/user/guitartutee
Intro By BRDX II-O
 C-E-Am-Fm pause
Ooh...

    C                E
 'Kita kita sa isang magasin
            Am          F
 Dilaw ang yong suot at buhok mo'y green
          C               E
 Isang tindahan sa may Baclaran
   Am                     Fm pause
 Napatingin, natulala sa yong kagandahan.

   C                          E
 Naaalala mo pa ba nung tayo pang dal'wa
        Am         F
 Di ko inakalang sisikat ka
     C                      E
 Tinawanan pa kita, tinawag mo 'kong walanghiya
          Am
 Eh medyo pangit ka pa no'n
    Fm
 Ngunit ngayon...

Chorus (loud)
            C
 (Hey/Kasi)   Iba na ang yong ngiti
E
 Iba na ang yong tingin
Am                      F
 Nagbago nang lahat sa 'yo
C
 Sana'y hindi nakita
E
 Sana'y walang problema
Am                       F
 Pagkat kulang ang dala kong pera
         C   E/G#
 Na pambili, ooh
         Am                 Fm
 Pambili sa mukha mong maganda.

        C               E
 Siguro ay may kotse ka na ngayon
     Am
 Rumarampa sa entablado
    F
 Damit mo'y gawa ni Sotto
   C                     E
 Siguro'y malapit ka na ring sumali
    Am                           Fm
 Sa Supermodel of the Whole Wide Universe.

Repeat Chorus except last 2 lines

Adlib: (1st verse chords)

     C                E
 Nakita kita sa isang magasin
       Am                F
 At sa sobrang gulat, di ko napansin
          C
 Bastos pala ang pamagat
          E                Am                         Fm
 Dali-daliang binuklat at ako'y namulat sa hubad na katotohonan...

Repeat Chorus except last 2 lines

Repeat Chorus

           C
 Nasa'n ka na kaya
         E
 Sana ay   masaya
           Am                F            C-E-Am-F
 Sana sa susunod na isyu ay centerfold ka na
  C-E-Am-F--C
 Ooh.
-----------

Eraserheads Members
Ely Buendia
Marcus Adoro
Buddy Zabala
Raimund Marasigan