'yung time na una mo siyang nakita tapos nadapa siya(hehehe), 'yung time na una mo siyang nilapitan,yung time na una mo siya nakausap,'yung time na una mo siyang hiningan ng number dahil sa pickup lines mong malupit.
"I forgot my phone number, can i have yours?"
'yung time na text kayo ng text 24/7 (labas mata), 'yung time na lagi mo siyang ka chat sa Facebook (chat at texting, multitasking lang ang peg), 'yung time na nililigawan mo siya, 'yung time na sabay kayong kumain, 'yung time na sundo't hatid mo siya, yung time na sabay kayong kumakain.
kakilig 'yun diba?(chillig to the bones!)
'yung time na........
"'yung time na 'yon!!!!!"
Tagal din niyong magkasama, naka ilang taon kayo nun?, pero noon 'yon hindi mo kasi binigyan halaga ang mga bagay-bagay noong kayo pa... nasaan na 'yung sinasabi mong "Give and Take" relationship? Parang take lang ng take ang nakikita ko lang sayo, hanggang umabot sa taking for granted mo na siya.
Dumating ang time(time na naman!!!! extend pa 1hour!) na umaabot sa ganito na ang sinasabi.
"It's not you, it's me"
"It's not you, it's me"
katapos mong marinig ang sinabi niya, ikaw ay biglang napaisip, napaisip ka dahil alam mo mismo sa sarili mo na ikaw ang merong kasalanan, pero huli na ang lahat para bumawi pa ng banat lines. Wala kang nagawa sa oras na mga 'yun kundi pigilan ang mga luha mo, hinayaan mo siya na lumayo dahil sa panahon 'yon mahirap pa sa daga ang salitang mag kaka-ayos kayo.
at dumating na ang sinasabi nilang "back to strangers again".
(habang background mo ang kantang...)
oh!!! tapos ngayon lalapit ka sa akin hihingi ng mga advice kung ano ang gagawin mo na maibalik siya sa piling mo, hindi ako si Joe d'Mango o si Papa Jack!!!
nasabi mo sa akin sana kung totoo lang si Genie sa Aladdin ako'y hihiling kahit isang HILING lang!!!
"kahit walang Genie sa totoong buhay, kung gugustohin mo na magka-ayos gagawa at gagawa ka ng paraan, huwag ka lan maghangad na magiging kayo pa importane mapatawad ka lang niya, kung mapatawd ka na niya doon mo ulit suyuin"
-dahil sa buhay lalo na sa pag-ibig walang, reset at restart button!!!
credits to video owner:
http://www.youtube.com/user/jpagran
http://www.youtube.com/user/UniversalRecPH
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.