Sabado, Setyembre 22, 2012

Yan-yan at Lyka 1



sa pagkakataong ito nagpasya silang maging....

Minsan sa buhay natin, darating ang panahon na pipili tayo ng isa sa dalawang desisyon sa ating buhay, mahirap man pero dapat gawin para wala ng masaktan pa.

Ako si Yan-yan isang 1st yr college sa isang pribadong paaralan,

matalino, mabait at tahimik daw ako sabi nila..
mahilig lang talaga ako magbasa kaya alam kung ano ang isasagot ko.

minsan lumalapit sa akin mga kaklase yinayaya  akong sumama nila kahit saan.
ewan ko ba d ko alam kong bakit hindi ako makasabay sa mga kaklase ko sa biruan nila sa tawanan, minsan nga ngumingit nalang ako para hindi nila isipin na kill joy ako.

Sa tagal naming magkasama bilang magkaklase naging ka close ko si Lyka, kakaiba siya sa mga babae na naging kakilala ko. Siya yong tao na sabihin nalang natin na walang pakialam sa buhay, kasi anak mayaman naman.

Lagi kaming sabay umuwi ni Lyka after school kahit na mayroon silang car ayaw niyang magpasundo dahil feel niya ang mag commute.

"una na ako sayo Lyka, me dadaanan pa ako"

"oh, sige ingat"

Miyerkules, andito na nman ako sa isang lugar kung saan dito ako nangako sa kanya at pagsisilbihan ko siya habang buhay, limang taon ko na rin siya laging dinadalhan ng bulaklak at lagi kong kinakausap. Siya rin nman kasi ang nakikinig sa akin kong mayroon akong problema.

"Morning Yan, gumaguwapo tayo ngayon, ano sekreto?" biro sa akin ni Lyka

"Ikaw" sagot ko

Oo, aaminin ko na gusto ko si Lyka noon pa, pero mahirap makipagsabayan sa ibang lalaking nanliligaw sa kanya, hindi ko alam kong ano ang magiging reaction ni Lyka pag-inamin ko sa kanya, baka ito pa ang ikasira ng pagiging magkaibigan namin.

Isang araw nakita ko siya sa corridor umiiyak.

"ano ang problma?" tanong ko

hindi naman siya sumasagot, at bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko.

"gusto mo ba ako, mahal mo ba ako?" tanong ni Lyka

sa oras na 'yon hindi ko alam kong ano ang isasagot ko, kasi habang tinatanong yun ni Lyka, gumulo isip ko sa kadahilanan na bakit ko pa siya mamahalin, kong mayroon naman akong minamahal na iba.

habang nakayakap siya sa akin, inamin ko kong ano ang nararamdaman ko, naging totoo ako sa sarili ko.

"gusto kita Lyka at minahal na kita noon pa"

"pero, me aaminin lang ako sayo at ikukuwento"

Mahal ko si Lyka, mahirap lang magmahal kung dalawa sila sa puso mo...

"Lyka, alam mo ba, kung bakit ako nauuna sayo bumaba sa jeep lagi, kasi limang taon ang nakalipas ng magkaroon ng cancer ang kapatid ko, sabi ng doctor hindi na daw siya tatagal."

pumunta ako sa isang lugar kung saan ko siya nakita sabi ko.

"pagalingin mo lang kapatid ko, pagsisilbihan kita habang buhay"

"Lyka, hanggang 1st year lang ako dito at may mahal na akong iba"

.......
tumahimik ang lahat ng marinig niya ang sinabi ko.

"next year wala na ako dito"

"bakit?" tanong niya

"papasok na ako sa seminaryo"

"Lyka, magpapari ako"


-end-

abangan kuwento ni Lyka


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.